Tuesday, February 10, 2009

"MAHIYA KA NAMAN"

Dito sa mundong iyong ginagalawan
Maraming mga mata ang nag-aabang
Sa mga ginagawa mo na hindi mo alam
Na dapat bang tularan o pabayaan na lang

Inisip mo siguro kung gaano kalalim ang epekto nito sa iyo
Nakita mo siguro kung sino-sino ang nasasaktan mo
Pero bakit at ano ang nangyari
At pinagpatuloy mo ang pagbinta ng iyong puri?

Maaaring malapit ka nang malunod sa hirap na iyong dinadaanan
Pero dapat mong malaman na ang buhay ng tao ay sadyang ganyan
Mahirap maintindihan at walang katuturan
Kaya pasensya lang talaga ang kailangan

Mahiya ka naman! babaeng walang pakialam
Isipin mo sana kahit minsan lang
Na hindi sa ganyang trabaho ikaw ay yayaman
Ang lahat, puri mo'y hindi na maayos magpakailan man

Kaya sa pagkakataon na ito dapat na intindihin ang buhay mo
Kung ito man ay magulo
Hayaan mo , magiging maayos rin ito
Kung ilalagay mo si Kristo sa iyong puso.